Baliw
Dahan dahang lumalakad
Katawa'y nagsusugat
Mabato'ng daan, mainit,
Nag-aapoy, nagngangalit...
Tinatahak bawat hakbang,
Patuloy na naglalakbay...
Nagwawari kung nasaan
Patutunguha'y di alam...
Saglit lamang at nagdilim,
parating na ang takip-silim.
Hilahod na't gumagapang,
Kumikirot pa'ng kalamnan...
Walang nais na tumulong,
Ako lamang ang naroon...
Laging ganoon nag-iisa,
Walang nais na sumama...
Sino ako? Ako'y tao...
Iba nga sa paningin n'yo.
Mapanghusga itong mundo,
Saan pa ko patutungo?
Pagmamahal ay di alam,
Pagtitiwala'y naparam...
Mga pangarap nawaglit,
Di na alm san sisingit...
Bigla na lamang nag-amok,
Nag himutok ron sa sulok...
nakanti ng mga tambay,
Hindi na nakagulapay...
Bumabawi ng hininga,
Hingal na't iika-ika...
Katawa'y hapong-hapo na...
Bumagsak na't nagpahinga...
Pilit idinidilat yaring mga mata...
Ngunit saglit lamang, at tuluyan itong nag-sara...
Sa 'king mga huling sandali,
Luha lamang itong sukli...
2 comments:
woi...
tagalog na malalim
lalong nalasog ang aking utak..
at sana may magkomment sa mg gawa ko.. ahahaha..
sana.. sana..
Post a Comment