Custom Search

Search Results

Wednesday, November 25, 2009

Hundred wordless reasons...

.,I've got a million innumerable reasons to be thankful for another year added in my life... but I still have more about me that is needed to be fixed and be placed on their righteous places... and some to be simply corrected... I want to confess everything to this one Person... but I'm afraid of the possible consequences... I am still immature of some stuffs I must say... or am I still a coward doing the shadow fight...

well, I still have rooms for Improvement... I don't expect for anything more or something better... I am just so... so thankful that I am experiencing to live this wonderful life on this continuously changing world....

Happy happy!.. :D


[Gonna be updated tomorrow...]

Friday, November 13, 2009

Ang Ika Labing-tatlo

.,Marami nang masyado ang mga naganap sa nakalipas na dalawang linggong mahigit na pagpapahinga ko sa isang gawaing lubos kong kinagigiliwang tupdin.
Ikalawang araw ng paglilingkod-serbisyo para sa isang aralin sa aking kurso (ang muling pagbabalik ng nakalipas na delubyo? hindi na siguro...) , hindi ko masasabing lubha akong natutuwa sa mga nangyayari sa aking buhay habang patuloy na umiikot ang mundong aking ginagalawan ngunit kung susukatin at titingnan sa maliwanag na bahagi nito masasabi kong mapalad pa rin ang nilalang na patuloy na naghahanap sa mabubuti at magagandang bahagi ng isang sitwasyon, bagay, o pangyayari.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula ng ako'y makalipat ng klaseng aking pinapasukan, hindi ako ganoon kasaya simula noong mga nakalipas na panahon, ngayon- bagong mga mukha, ilang mga paikot-ikot na pag-uugali, at di mabilang na pakikisalamuhang kailangang buuin unti-unti... sa mga desisyong aking ginawa wala naman akong pinag sisisihan ni- isa man sa mga iyon... may mga bagay lamang na kailangan talagang talikuran sa halip na pagtiisan ito at mag sisi habang nasa sitwasyong iyon... nakakapanghinayang nga lamang isipin na kaakibat ng mga desisyong ito, minsan kailangan nating isakripisyong mahiwalay sa mga taong napalapit rin sa iyo kahit papaano... pagkakaibigang kailangang pansamantalang mapawi para sa ikabubuti ng aming sarili...

Sa pag-iwas sa isang sitwasyon, hindi lahat ng mga nilalang na nakilala natin noong mga panahong nagdaan ay masaya para sa mga nangyayari sa buhay ng iba, may mga taong makikitid ang pagpapahalaga sa mga pinagsamahang mga pagkakataon; biro man o totoo ang mga salitang lumalabas sa bibig ng tao ay lubhang makapangyarihan na kaya nitong paikutin at baligtarin agad ang pakikitungo ng isa sa iba... lalo na kung sa mga salitang iyon, hindi tuwa bagkus ay pagkamuhi ang iyong madarama.

May mga pangyayaring madalas ay idinidikit ng tao sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay, mga karanasang pinaniniwalaang nagdudulot ng kung anong bagay na mahirap maipaliwanag... Halimbawa na lamang ngayon ang paggamit ko ng wikang Filipino sa aking katha... walang sinuman ang makapagsasabi kung bakit oh paano, oh ano man ang koneksiyon nito sa aking nararamdaman...

"hindi lahat ng anghel nasa langit... ngunit hindi rin ibig sabihin na kahit bumaba sila o manatili sa lupa ay hindi na sila maaaring tubuan ng kahit katiting na umbok sa kanilang mga ulo- mga matutulis na bagay na hindi mo gugustuhing makita sa kanila.. na sa halip na isang bilog itong nagliliwanag, huwag na lamang... iyon na nga.."

ni minsan sa tahimik kong isip, hindi ko nawari na makakagawa ako ng mga bagay na hihigit sa kung ano lamang ang nararapat nitong hangganan... higit lalo na sa isang walang kalaban-labang nilalang... nakakaawa... ngunit hindi ko iyon naramdaman, bagkus ay para akong naligayahan...

hindi inasahan ng sinuman sa kanila na kaya kong gawin ang ganoong klaseng bagay... upang putulin ang mapalabok na kwento, ganito ang nangyari...

Isang kaibigan ang nakursunadahan kong makalokohan, hindi naman ako napikon, sino nga ba ang nauna? ang paglalagay ng nadurog na pulbo sa isang itim na pantalon ay labis kong ikinagalak... at sa sobrang tuwa ko, naisip kong pumatol... minsan lang naman eah... makahanap lang ito ng katapat.. :) lumayo siya, akala niya tapos na, ngunit nag uumpisa pa lamang ako... dumakot ako ng mga nadurog na pulbo sa sahig gaya ng sa kaniya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay ng sobrang higpit gamit lamang ang kanan kong kamay, sinigurado kong mararamdaman niya ang higpit nito at pagkatapos? ibinuhos ko sa kaniyang ulo ang pulbong nakuha ko...
tapos na? hindi pa... habang hawak siya ng mahigpit, parang halos kinaladkad ko siya papunta doon sa mga pulbong natapon, nakapulot na ako muli ngunit nakapiglas siya... hindi ako tumigil dahil wala naman siyang mapupuntahan eah... sinundan ko siya, muling hinawakan ng sobrang higpit, umaaray na siya at sinasabing ayaw na niya ngunit wala akong naririnig, mas hinigpitan ko ang hawak at ipinahid ang pulbo sa kaniyang pantalon... walang kapalag-palag... walang tumutulong ngunit may isang umaawat.. naaawa na marahil sa sinasapit ng kaawa-awang nilalang na iyon... hindi pa ako tapos, muli ko siyang halos kaladkarin papunta sa pulbong nagkalat sa sahig, pilit ko siyang pinauupo, ayaw? hindi pwedeng ayaw... pinilit ko siyang maupo... inilapit sa pulbo upang magmarka lalo iyon sa kaniyang pantalon... sumisipa, pumapalag, hinawakan ko ang dalawa niyang paa at hinatak papunta sa sahig na natapunan ng pulbo... inilampaso ko siya roon at hindi ako tumigil hangga't hindi napupuno ng dumi ang kaniyang pantalon... nang ayos na ako at nagliwanag ang isip sa mga pag pigil ng mga kasama namin sa silid na iyon lumayo ako at nakitang ubod ng dumi ng kaniyang damit... namumuti ang kaniyang buhok at talagang hindi mo gugustuhing ikaw ang mapunta sa sitwasyon ng kaawa- awang nilalang...

Natapos iyon at may halong tuwa akong naramdaman. una ito... ngayon ko lang naranasang maging halos demonyo sa harap ng mabibilang mong tao, isa pa, ang guro namin ay nasa di kalayuan... mas nadagdagan ang "thrill" kumbaga...

sabi ko nga, hindi lahat ng 'angel' halo ang nasa ulo, minsan may mga pagkakataon na buntot ang tumutubo sa likod naman nito...
Nagulat silang lahat.. talagang hindi nila inaasahan na magiging ganoon ako kumilos... siguro ni sa hinagap hindi nila naiisip na kaya kong gawin ang ganoon kademonyong bagay... well, anong araw na nga ngayon?... Ikalabingtatlo... hindi sana ako naniniwala sa ganito, kaya lang... may minalas nga eah... paano ba yan?... paumanhin na lang sa kaniya.. hayaan mo... pwede naman natin iyong ulitin... sa susunod putik naman ipapahid ko sa'yo... oh kaya ibabad kita sa kumukulong mantika...

Isa pa nga pala, sabi ng guro namin dati may ibig sabihin ang "MARA" sa ibang lengguwahe, ayoko na lang sabihin... pero Maligayang Kaarawan sa'yo! yun lang ang punto...

eksakto... ngayon ay Ika Labing-tatlo, isa pa muling Labing-tatlo- hindi ko na mahintay, kahit na alam kong wala namang magiging bago... tatanda pa ko... haaaayyyy buhay... Life!

Saturday, October 24, 2009

Going to the Metro... :D

.,what do i know about the metro aside from its the Capital of the country?... ugh... don't ask me... I ain't know everything... I'm just so exited, and I just can't hide it... I know, I know, I know I want you... I want you... :) LOls...

After so long, I can now have an escape from the rural living... I can see other things aside from the four corners of my room, the walls of the house, and the fields in front overlooking the Hospital...

I cannot be able to hear the chirping of the birds nor the crowing of the rooster for the nth time... I will be busy looking at the grand buildings again plus the Manila Bay... Pass the MOA of course and hear the noise of the busy streets of Manila... The smoke belching jeepneys and buses and the choo choo of the train while making our way through the underpass...

Hello Manila!... Wc to me.. :D from a Country boy, to a City man... :)

Friday, October 23, 2009

Beginning dump of physical memory...

"The 'only' fair thing in our world is its unfairness... and its uncertainties are the 'only ones' which we can be ascertain of..."

I don't really know what's wrong with my pc... it always says this line for about every 15 or 20 minutes and heck i have to restart my computer over again... i am getting sick of it and i don't know what to do... i have searched for remedies and possible solutions on the net and have tried doing some of the suggestions, thanks but no thanks cause none of them are functional...

i have opened a tab and searched for one, and another and another... argggghhhh.... i am getting over of this... i'll just bring this on the shop later... I know I am still a computer retarded in one way or another... I tried to find solutions myself thinking that I might not need to waste my time on dealing with the unpleasing personalities of those men in the repair shop... but duh, I still have a lot to 'learn more' about.

I have a broken pc, a broken cp, I am thinking of my grades whether i'd be able to pass as an academic scholar (but if not its still ok... at least I will be able to continue studying for the next sem. with fair- if not high grades...); I am thinking whether I can be able to transfer from one section to another this coming sem. (cause i am sick of the reading routine); I need to go to my Alma Mater to get a copy of my TOR (which I thought i have already submitted when I entered the University); I have not helped a friend in need which causes my heart to start cracking right now (oh gosh its financial! what can i do?); I have an Aunt in the hospital, Cancer- the prognosis; My Tita from Japan will be arriving this Sunday and heck my mom is cramming... Asking me to wash beautiful plates, prepare stuffs- like what to wear and what to bring, fixing a room for our guest- changing linens, cleaning the house- removing weeds which have sprouted all over the backyard (thanks for the rain), and a lot of other preparations to be done as if the Prime Minister of Japan is the one coming...

I have had a long busy week during the final examinations and I thought that i would be able to have a loooonnng rest now because its already our semestral break but nah, sorry for me... I am expecting to have the trip of my life next week... I and my Tita will be having the 'teen' bonding...
For the longest time, I will be able to live out of my box..

I need to go to school at 1pm, I am getting my class card from a 'very productive' subject matter, and I expect to have a well-deserved grade- but not as much expectations as my friends have for me...
I hope to meet one of my favorite C.I. today coz' i want to see my grades in her subject just to know how i was doing all those times... I know I perform well-enough. She's my last hope, the rope who can pull me up, out of the mud where I have sank... from the woman who have buried half of my body...

I just want things to be fine now... When can the world be fair?... I don't know, cause...


"The 'only' fair thing in our world is its unfairness... and its uncertainties are the 'only ones' which we can be ascertain of..."

Sunday, October 4, 2009

Pop in..

"Just smile in times of trouble."

I just want to drop by and visit my dear blog...

I was reviewing for a quiz (tomorrow) when i saw the link through my blog {which is bookmarked on top of my net browser.. :D of course for an easy access :).. } and have decided to post something to ease my boredom..

Lately, the reports have been talking so much about the typhoons that have hit and is currently penetrating the 'Philippine Area of Responsibility'.. (see, i learned something!...:) The daily news (which was normally airing on weekdays) have also taken the time to work and share stories during/ on weekends... I felt so sad for those families and individuals who was greatly affected by the calamity... those who have lost all the important belongings they've had before, whether it be material things or even a loved one. I have thought of what had happened a few weeks ago, the time when it have rained with bits and pieces of ice falling with the rainwater... Now, after all the flooding Ondoy have created... here follows Pepeng with threatening strong winds...

Is Mother Nature making revenge?... For all the filthy things we, human beings have done and are continuously doing... Not to mention what had happened to the American Samoa and also to Indonesia... All this catastrophes and unwanted phenomena happened because of certain reasons and whatever those reasons maybe I know, for sure... that there are people or say individuals behind all this disastrous events... there are entities responsible for all these things that is happening... and during the payback time, who's to be blamed?... where are we headed?...

Thousands of families have been affected, millions worth of investments have been washed away... are we going to wait for billions of total damages to happen before we start to change?...
On our own simple ways... I know we can help... not only helping other people or helping Mother Nature... we must first start to help ourselves.

Filipinos have this certain attitude which makes them unique and different from the other nationalities... which makes me be certain that whatever happens... Everything will all be fine.

"Just smile in times of trouble." -We may not see the pain at a glance... but we can see the tears running when you gaze...

P.S.

The 'Finals Week' is nearly coming and i still have no idea what will happen. I have only taken a peep on one of my lectures... I still have a lot more to read... I know I don't simply need to learn everything, but instead I have to understand them one at a time...

The game is just starting, I mustn't play safe... I need to play good... (or maybe do better? or great?)

May God Bless Me... God Bless the People... and God Bless my Country... :)

Godspeed!


- Happy Birthday Franan!... and Happy Birthday Tita Susan... :D

Saturday, September 26, 2009

Have forty winks!..

I love it when the rain falls so unhurriedly...
with the cold and smooth wind blowing all throughout my body...
with the comfort of the mattress, the pillows and the blanket...

I wanna lay down my thoughts... my eyes stopped blinking... before it went to have forty winks...


and now, I'm asleep...

-I have thought of doing my homework but i feel my bed is pulling my body... my pillows dragged and dropped me... :D

how can i fight the insensitivity?...

Thursday, September 17, 2009

Water pls. with crushed ICE...

"Guys! Guys! Tingnan nyo, Umuulan ng yelo!!!..." (Guys! guys! look, it's raining men, oh i mean ICE!!!)

.,The weather has been so humidly hot all throughout the day, it was 5:20pm and we were just dismissed from our last subject (one of my favorite! welcome back Ma'am M!) Lightnings and Thunders disturbed our consciousness, we were just talking about how we can solve our problem with one of our teachers and then the wind blew hard... its cold... the heavens went dark and whoala! The heavy rain fell... Literally, it is thus HEAVY... The blinding lightning is accompanied by a very deafening thunder... the branches of the trees sway with the wind... the non-pliant ones were brought back down to the grounds...

"Ano ba yan nagbabagsakan na yung mga bunga ng Talisay sa bubong..." (The fruitlets of the Talisay tree are continuously falling down the roof.) "ang ingay!" (What a noise!) We were on the Student center then... a waiting area made for us, students... Good thing it does have a roof for shelter but not walls for hard blowing winds and splashes of water from the rain... my eyes were wide open to see such once in a lifetime experience...

while we were thinking of ways on how to manage the situation and not to get all soaked and wet, suddenly i heard someone said, "Guys! Guys! Tingnan nyo, Umuulan ng yelo!!!..." (Guys! guys! look, it's raining men, oh i mean ICE!!!)

WTF... really?... is this really happening?.. I was amazed by nature... unexpectedly, the rainwater is falling- with crushed ice... I picked some of it and duh it was cold... (of course its ice!) I smiled and decided to get my cp... (unfortunately, it was EMPTY BAT!, ahhhh shoot!) I was not able to capture some pictures or even a video of it... we were stranded and we're all so wet by that time but it doesn't matter anymore... Seeing tons of crushed ice falling from the heavens outweighed the uncomfortable feeling of being all soaky wet... This is the first time I have seen such phenomenon... 5:40pm: we were still at the student center laughing about our situation...

The University, for just an hour or so was a little flooded; a happening which has never been so new to me, even for other students...

Damn, I still feel disappointed. If my phone has just not broke by the time i needed it most... I would've documented what had happened...

After the hard and heavy rain we've then decided to continue what we've planned to do just before that incident happened- Malling :D

After, we walked our way to the terminal hearing people talking about what had happened, as if we have not witnessed it huh...

A group of Teenagers looking up at the dark sky saw a one big white cloud far from where we were and then said, "whoi baka isang bloke naman ng yelo yung bumagsak!" (hey, what if a block of ice would be the next one to fall!) Lol... that was funny... and if that thing would happen how i wish he'll be the first one to be hit hardly... crap!

P.S.

I just realized now, "What's happening with Mother Nature?... She's changed."

-nga pala, Jp, happy birthday!... (kahit di mo to mababasa, kahit may bago ka nang friends...):D

Wednesday, September 9, 2009

Maligayang Kaarawan

"Parang kahapon lang nang isilang ako sa mundong ito, pero ngayon... heto, Cute pa rin ako! wala pa ring nagbabago..."


ilang panahon na rin ang lumipas, umulan na nang sobrang lakas sa mundong ginagalawan ko... sumobra na rin ang mga naranasan kong init... ilang beses na din akong lumusong sa baha at minsan, maranasang magtampisaw sa tubig na naipon nito...

Pagkakataon nga naman, ano bang meron sa petsang ito? sa dinami-rami ng araw sa kalendaryo... Mayroon namang tatlongdaan at animnapu't apat pang ibang panahon...

Una, ang paggunita sa ikaapa'tnapung araw na kamatayan ng aking Pangulo... Ang dami naman simbahan na pwedeng puntahan ni Kris, pero ang lakas talaga ni Bishop kay Itay... Personal daw niyang pinili ang Cathedral ng Balanga para doon niya gunitain ang kamatayan ng kanyang Ina sa Misang hinanda ng Parokya- sabi ni Kris... Ayun, ang mga Balangue ño nagkagulo... nakalimutan nang misa ang pinuntahan nila, Ai maalala ko lang, Oo nga pala, Alam nilang may public figure na pupunta, hindi lang basta artista- si Kris Aquino pa... picture, picture... autograph, ano pa?... Shake hands tsaka beso...:D Solve na!... may makakapagpasikat na rin sa mga kapitbahay, mga kaklase, tsaka yung iba pang pwedeng mainggit... bwahahaha... (If I know ganyan iniisip nila..)

Ako? Gutom ako eah... kumain na lang kami sa Chowking, halos tapat lang ng kanto papasok ng parking area ng simbahan... ang daming tao, nakakatamad makiusyoso... sayang! pagkakataon ko na sanang makita si Baby James...:D


Ikalawa, nagdeklara na ang unico hijo... tatakbo daw siya... sana nga iba siya sa lahat ng mga pulitiko, sana mapantayan nya nga yung nagawa ng mga magulang niya kung sakaling maluklok man siya... wag lang makuha ang ugali ng ibang mga napupuwesto, kung makakain sa resto milyon pa ang pinaluluto... Pakape ka na lang!... :D (Starbucks! Lol..)

-singit ko lang, ngunit wala namang masyadong importansiya ito doon sa talagang pakay ko... yung ibang pulitiko lang kasi kung magapaglabas ng 'infomercials' parang sobra lang sa pag smoke belching... "Yayaman tayo.", parang sarcastic baga... ang hirap talaga minsan magbuhat ng sariling pink 'stainless-steel' na bangko... oo masama ngang manghusga kaya lang minsan kasi parang sobra naman yung mga hangin na lumalabas sa katawan natin, ang baho!... Hindi naman kailangan lahat 'Bayani'... yung ibang simpleng tao naman may kaya ring gawin... matatalino ang mga Pilipino, alam ko kahit papaano madadala nila sa tamang daan ang kanilang mga boto... (nga pala, sa susunod pong halalan, huwag ninyo akong kalilimutan! hehehehe...:D)

Ikatlo, Birthday ng isang importanteng nilalang (na hindi ko alam kung bakit nalikha sa mundong ito...) ni hindi ko mawari kung paano oh bakit nagaganap ang mga bagay-bagay na wala ni isa man lang bang koneksiyon sa pagkakaayos ng mga bituin sa langit ngayon, oh sa paggalaw ng mga planeta sa 'axis' nito, kahit sa pagtatago ng buwan sa likod ng mga ulap, aaraw, uulan, tapos nalagyan pa ng glitters yung pantalon ko kanina... nakascarf pa naman ako... buti na lang kumain ako ng hapunan...

ha?... ang gulo ano? hindi ko rin alam kung bakit, pero yung tao kasi na ito masyadong ginugulo ang mundo ko... minsan naiisip ko, bumili kaya ako ng mighty bond (para mapagdikit ko na lang palagi yung mundo namin), kasi para siyang si superman (napakalakas ng dating)... ayaw ko lang sabihin oh tawagin siyang mcdo (Love ko 'to) bka sabihin obvious na masyado... :D korni nga daw ako, pero alam ko nangingiti naman siya kahit papaano kapag sinesendan ko siya ng quotes na korni, yung tipong,

"Kung nasa laboratory raw ako at kasama kita... Anong English nun?... uhmmm... eh di...

I'm in lab with you!... ayeee!"

tama na nga ang kalokohan...

Ikaapat, oo eto na talaga yun... sa mga pinaggagagawa ko ba naman dito sa lugar na ito, hindi ko akalaing tatagal ako ng ganito... Isang taon na pala ako dito... hindi ko man lang namalayan, ang bilis talaga ng panahon. Maraming tuldok na ang nagawa ko (eto, '....'), nakakairita ba? medyo'...' naniniwala lang kasi ako na ang bawat letra, ang bawat salita, ang bawat parirala, oh kahit isang buong talata, lahat ng ito ay maaaring laging may karugtong, posibleng ang tuldok, dagdagan pa ng dalawang tuldok, tapos ilang salita... hanggang sa mabuo ang isang bagong talata... (ang saya di'ba?) gusto ko lang gamitin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang lahat ng nilalang, pagkakataon, panahon at kung ano-ano pang mga bagay na nagtutulak sa akin upang ipagpatuloy ko ang aking makabuluhang pagsusulat. Kung hindi siguro dahil sa mga ito, wala akong malilikhang katha...

Nagsimula ako sa wala, nandyan si 'chique' (spexal mention!), na laging nag iiwan ng komento kahit walang kwenta ang ilan kong gawa (di naman lahat)... tayo lang kasi minsan nakakaintindi sa gawa ng isa't-isa (nakakarelate baga dung!). Tapos unti-unti nadagdagan kahit papaano yung mga napapadpad dito sa site ko... masaya na ko dun! sabi ko nga, okey lang naman kahit wala oh konti yung nagbabasa ng mga katha ko, ok lang kahit hindi din magcomment yung ibang napapadaan, ayos lang kung hindi maappreciate ng ibang tao yung mga naisusulat ko... Nagsusulat ako kasi eto yung gusto ko. Gusto kong ilabas kung ano yung nasasaloob ko... gusto kong kahit papaano mabawasan yung mga iniisip ko, maibsan yung mga kalungkutan, maibahagi yung mga kasiyahan, at simpleng matuto mula sa iba...

sabi nga ni Anne Frank,
"I can shake off everything if I write, my sorrows disappear, my courage is reborn."

at sabi ni Aya,
"If i don't write down the things in my heart right now, tomorrow... then i would forget it and disappear..."

gusto ko, tumagal pa ako sa pagsusulat ng isang taon tapos doblehin ng mga isang milyong beses... at dagdagan ng mga isang daang milyong beses na lang... ayos na sa akin iyon...

oh siya, may duty pa ko bukas... at naghahati na ang araw... lumampas na ako sa 09/09/09, Setyembre 10 na...

Maligayang Kaarawan sa akin, sa kanya, sa amin... :D pano ba yan, mukhang imposibleng makalimutan ko talaga ang date na ito... Ganoon yata talaga pag importante... hehehehe... mahirap kalimutan, mahirap maalis sa isipan... sluggish ako eah... mabagal! pahingi nga ng 'do'... dadagdagan ko lang yung t*rpe ko... (para medyo bumilis, kailangan 'torpedo')... :D

¡feliz cumpleaños!...
Custom Search