.,maraming mga maling bagay na ako na ginawa na sa una ay inakala kong tama. Dumating ang ilang pagkakataon na napagtanto ko rin na mali nga ito. Lumipas ang isang araw, sumapit sa isang linggo, hindi ko mawari kung bakit, ngunit nagawa ko ulit ito. Sa ikalawang pagkakataon, nagkamali na naman ako... tila ba wala akong natutunan mula sa aking nakaraan... akala ko noon mahusay ako, perpekto, at walang kapantay. ngunit paulit-ulit na lang ba?.... hanggang saan ba ang hangganan?.... kailan matatapos ang pagdating ng kakulangan?.... hindi buoang katauhan, animo ako'y nadadarang.. walang makapantay sa bawat kong dahilan, walang makahadlang pagkat sila'y walang alam...
kilala ba ninyo ako? o sadyang nabubulagan lamang kayo?.... nabubulagan sa liwanag na nakatakip sa aking harapan... hindi lahat ng simula agad darating sa katapusan, hindi ko alam ngunit ako'y nahihirapan. ano bang nagaganap na hindi ko nalalaman, paulit-ulit dumarating, ngunit ang bunga'y ganoon pa rin. hindi nababago, walang mapagtanto... Sino ba ako?.... Isang tao, isang nilalang... mula saan?... hindi ko alam....
Isang parusa nga siguro kaya magulo ang buhay ko...
Ako'y hindi bulag ngunit wala akong makita. Kahit na isang sulyap sa daang tahak na. madilim ang lugar ngunit may katiting na liwanag, kumukurap, sumusulyap, unti-unti nababakas...
Bukas, oo bukas... sisikat na naman ang araw ngunti lumalamlam ang liwanag... ang hiwaga ng pagkatao walang kongkreto, hindi buo. patuloy akong naglalakad ngunit hindi makatapak, dumidiretso kahit walang naririnig... malapit na ako, nararamdaman ko, ngunit parang ang layo pa rin, oh sadyang lumalayo?....
ilang beses na rin na ako'y nadapa, ngunit patuloy pa rin sa maling ginagawa... lalakad, tatakbo, diretso- walang hinto... Magpapatuloy hanggat hindi nasusugatan sa pagkakadapa.... Saan ba ang posisyon ko?.... wala akong alam kahit ano....
Hindi alam hanggang kailan, paano, o hanggang saan?.... matatagpuan kaya ang tamang daan? oh maliligaw nang kung saan....
No comments:
Post a Comment