.,labag man sa aking kalooban ngunit kinakailangan talaga na maganap ang bagay na ito ngaung panahong kasalukuyan.... hindi ko talaga ito gusto.... wala lamang akong ibang pagpipilian....
hindi ko makuhang magalit.... siguro nga masyado akong mabait.... hindi ako pumapatol masyado sa mga taong walang ibang intensyon kundi ang magmalaki at tanghalin ang sarili na nakahihigit kaysa sa iba.... (patawarin na ako ng nasa itaas ngunit ako'y tao, napupuno rin.... at kailangan maglabas ng sama ng loob....) nakalulungkot isipin na ang mga bagay ngayon sa aking buhay ay hindi tumatakbo ayon sa aking mga kagustuhan.... nakapanglulumo lamang na isipin ang mga bagay na ganito... kasalanan ko ba?..... wala naman akong masamang ginagawa.... hindi ko alam kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa mga taong hindi ko alam kung ano... pinipilit kong makisama sa halos lahat ng uri ng tao.... yung mga taong ngayon ko lamang nakakahalubilo.... hindi siya marunong makiramdam.... hindi naman kami dumadaan sa madaling mga bagay.... gayunpaman inaasahan ko na rin kahit na papaano na mangyayari rin ang ganitong bagay.... pagsubok ang bawat araw na dumadating.... walang kasiguruhan kung ano ang naghihintay para sa akin.... hindi lahat nagtatagumpay sa bawat nilang hangarin pero patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakbay..... paano ba mabuhay na ang mga bagay na nakapaligid sa iyo ay hindi mo hawak?..... kahapon nakapanood ako ng isang dokumentaryo.... tungkol iyon sa mga taong namuno sa isang mahinang bansa.... mahina nga ba?.... hindi ko alam.... at ayoko nang palawigin pa ang mga bagay ukol doon.... nakakapagbukas ng isip.... ayos lang sa akin na ganoon.... marahil nga ay naging malaking tulong talaga ang pagiging kristiyano ko ngayon.... unti unti.... kahit na maliliit na hakbang.... tumutuloy ako.... dahan dahan.... walang pakialam.... napakarami ng mga bagay ngayon na bumabagabag sa aking isipan.... hindi ko maintindihan kung bakit.... naliligaw na naman ba ako?.... oh sadya akong lumalayo?..... paano ko ba haharapin ang bawat bukas na naghihintay sa akin..... napaka raming pagsubok.... napakaraming mga bagay na dapat gawin.... hindi ko alam kung magtatagumpay rin ba ako?.....
sana lang maintindihan nya yung mga bagay na kailangan talaga naming gawin.... sana lang talaga huwag naman siyang maging masyadong makasarili.... isipin man lamang niya yung ga tao na naka paligid sa kaniya.... oo mahina nga ako.... pero may tiwala ako sa Diyos.... ayokong sabihin na wala akong pakialam sa nararamdaman niya pero alam ko na sa bagay na yun may kasalanan pa rin ako kahit papaano..... sabi ko kanina "lumubog na ako...., hukayin nyo ako ulit...." nung mga panahong iyon talaga wala akong naiisip kundi ang pagkakalibing ng buhay.... (hindi sa literal na pananalita).... ngunit talagang nasaktan pa rin ako kahit iniisip ko na ayos lang iyon.... napakaraming dapat na gawin.... hindi ko alam kung papaano ko pagkakasyahin ang manipis kong katawan sa mas makitid pang daan.... paano nga ba?>.... Diyos ko tulungan Mo po ako..... hindi po ako karapatdapat ngunit hinihiling ko po na sana lang maging maayos ang lahat.... naniniwala po ako sa Unang Corinto 10:13.... ngayon ko lamang ito mababanggit dito.... 1Corinthians 10:13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi dinanas ng lahat ng tao, Tapat ang Diyos at hindi Niya ipahihintulot na kayo'y subukin ng higit sa inyong makakaya.... sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon....
lumuluwag na rin ang aking pakiramdam ngayon.... medyo maayos na.... ngunit medyo mahirap pa rin kalimutan.... bukas bagong araw na ba?.... ano nang naghihintay sa akin?.... hindi ko ito gustong isipin pero nagaganap.... basta bukas.... bago na ang araw.... hindi na yung ngayon oh kaya nung nakaraan.... Diyos na lang ang huhusga.... iniiwan ko na sa kaniya ang pagpapasya.... marami pang araw.... marami pang darating.... at patuloy akong maghihintay....
No comments:
Post a Comment