.,anong gagawin mo kung malaman mong dalawang minuto na lamang ang nalalabi sa buhay mong napakaikli lamang?... ako?.... matutulog na lang ako!... para dire-diretso na diba?.... :)
hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.... sa mga panahong ito... tatlo... oo, tatlong araw na... walang pagbabago... hanggang ngayon nilalagnat pa rin ako... hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin... hindi ako makapag aral ng maayos... walang kaluwalhatian ang aking paligid... pagod na ko... iinom ng gamot... matutulog... kakain... magpapahinga....
bawal lumabas ng silid... bawal gumamit ng computer... bawal manood ng telebisyon... ano pa?... pagod na 'ko... ano pang bawal?... bawal huminga?...
ilang linggo rin akong napahinga sa pagbisita sa lugar na ito... nawalan na ako ng panahon sa mga bagay na karaniwan kong ginagawa.... dati... noong mga panahong maayos pa ang sitwayon sa eskwela... and daming proyektong kailangang tapusin ngayon... at idagdag mo pa ang mga hindi inaasahang mga pangyayari.... hindi ako makakain ng maayos... nagugutom na ako.... napapagod.... nahihirapan...
matapos ang huling sayaw ko sa araling iyon nagsimula ang lahat...lunes, hindi ko alam kung paano naganap... basta ang alam ko nangyari na lang bigla.... gusto nang bumagsak ng katawan ko.... hapong-hapo na ako... lagi na lamang pagal ang aking nararamdaman.... sunod sunod na ang mga eksaminasyon sa eskwelahan matapos ng sayaw na iyon... at sa kasamaang palad wala ako sa aking sariling konsentrasyon ng mga panahong iyon... may maikling pagsusulit sa isang suhekto... isang mahabang pagsusulit naman sa susunod na araw... sabay sabay... walang patid... walang humpay.... nakakapagod... nakakapang hina... "hindi ako sigurado sa mga sinagot ko...." sariling interpretasyon... kanya kanya na lang yan..." sa pagkakataong ito ko lamang napag tanto kung ano na talaga ang nangyayari sa akin... pinipilit ko lamang ang sarili ko na tumayo kahit hindi ko na kaya.... ngumiti kahit nahihirapan na.... ang init ng aking pakiramdam.... wari mo ako'y inaapuyan.... hindi ko na kayang bumangon pa sa kamang aking hinihigaan...
lumipas na ang araw... miyerkules, mayroon na namang pag susulit.... gaya ng nauna, hindi ko ito pinag handaan.... ang alam ko lang may lagumang pagsusulit kami at iyon ang paghahandaan ko... kinakailangang gumamit ng malalalim na kawikaang tagalog para sa presentasyong iyon... at sa awa naman ng Panginoon nabigyan ang aking grupo ng mataas na grado.... (partida pa may sakit ako, una kami at pinaghandaan namin ito kulang isang araw bago ang mismong tagpo....) buti na lang....
ngayon, walang pasok, pero sa susunod na linggo may sarili na naman akong mundo .... dapat sana nagpapahinga ako.... pero kailangan ko rin kahit kaunting panahon na sapat lamang upang mabisita kitang muli.... sana bukas maging maayos na ako.... hindi ko na alam kung anong gagawin ko... mag papahinga... mag aaral... at bibigyan ng panahon ang aking sarili....
maaayos na ang lahat...
umaasa ako...
mag hihintay....
alam ko....
oo, magiging maayos rin ang lahat.....
1 comment:
Masarap nga matulog! hehe
Post a Comment