"...anumang dahon na nalalagas sa isang puno ay dahan-dahang magkakasibol na muli..."
hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa aking isipan kung bakit nagawa ko ang bagay na ito... basta ang alam ko lang, masaya ako habang nakikita ang mga larawang nagpapanumbalik sa mga pinakamasasayang ala-ala habang kapiling ko ang aking mga 'tunay na kaibigan'...
alam ko, walang permanenteng bagay na nalikha para magtagal dito sa mundo... ngunit alam ko rin na mayroon namang mga bagay o mga pangyayari na nagaganap upang ipanumbalik muli sa atin kung ano man yung mga bagay na maaari nating makaligtaan...
sa loob ng humigit-kumulang dalawang taon, ang mga taong ito ang aking nakasama sa paglikha ng mga ala-ala... mga ala-alang nagbigay kasiyahan at ngiti sa aking mga labi, at lungkot at mga luha sa aking mga mata sa kani-kaniyang mga pagkakataon... walang tao na kayang mabuhay nang nag iisa... gaano man kasaya o kagulo ang mundong kanyang ginagalawan sa iba't ibang panahon at pagkakataon... kinakailangan pa rin niya ng makakaramay upang punan ang isang kulang na bahagi upang mabuo ang isang masayang ala-ala...
ngayon, matapos ang mga masasayang panahong ito... ang mga bagay ay dumarating sa kani-kanilang kahahantungan... laging nagkakaroon ng pagbabago... walang nananatiling permanente sa nilikhang mundo... ang bawat naumpisahan, dumarating sa katapusan... ngunit sa bawat katapusang ito, muling sumisibol ang isang panibagong simula... isang simula na patuloy muling iinog... isang simula na nanggaling sa nakaraan at unti-unting gumagawa ng daan patungo sa kasalukuyan... kasalukuyang magdurugtong sa atin patungo sa hinaharap...
maaaring matapos ang isang samahan... maaaring mawala sa isang iglap ang mga bagay na hindi natin inaasahan... oh sa isang iglap rin mabago ang lahat-lahat...
hindi na muling maibabalik ang nakaraan... mabubuhay na lamang ang tao sa kanyang kasalukuyan... ngunit sa isang mumunting paglingon, maaari nating balikan ang mga bagay kung nanaisin... hindi sa pamamagitan ng pagbalik sa nakaraan, ngunit sa pamamagitan ng pagbuo sa naghihintay na hinaharap...
sa mga taong naging bahagi ng aking masaya, magulo, at mahirap na buhay kolehiyo; sa aking mga kaibigan, sana'y dumating ang pagkakataon na sabay sabay nating marating ang rurok ng tagumpay... ang muling lumikha ng kasiya-siyang mga sandali... at ang pagdidikit muli ng mga napipilas na pira-pirasong papel...
mula sa mga kathang isip na pagnanais... hanggang sa pagsasakatuparan ng mga ito...
sa bawat buhos ng inumin, at sa pagtaas ng mga baso... sa pagbabato ng mga bote, at pagsisigawang walang halaga (cheap:)...
"sa paglipas ng panahon, ang mga nalilikhang sugat ay unti-unting maghihilom...
katumbas ng anumang dahon na nalalagas sa isang puno at dahan-dahang nagkakasibol na muli..."
-angelo...=)
1 comment:
ok lang yan. lahat ay may panahon.
Post a Comment