Custom Search

Wednesday, February 4, 2009

.,napakawalangkwentapalaniya...

.,isang umaga... ganap na ika-siyam ng mga oras na iyon... ikalawang aralin kaninang umaga...(buti na lang demokratik kawntri tayo...:)

hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali... mga taong wala ni kaunting konsiderasyon na nalalabi para sa iba... isang munting kahilingan lamang... mahirap ba talagang magparaya?... o magpaubaya?... napakawalangkwenta naman ng mga bagay na tinatalakay ukol doon... ngunit akala mo ay sobrang halaga para sa isang propesyon na puro lamang siyensya ang pinag aaralan... maisasabuhay ko kaya ito sa hinaharap kung sakaling magtagumpay ako sa tinatahak kong daan ngayon?... hindi lamang sa iisang bagay umiikot ang mundo... naglalakbay ito sa paligid ng iba pang planeta... sa araw, at nagiikutan rin sila ng buwan... hindi ko maintindihan kung maramot ba siya oh sadyang wala lang siyang pakialam para sa nararamdaman ng ibang tao...

akala mo ay kung sino kung umasta... ayokong magmukhang bastos sa harap ng maraming tao kaya hindi ako sumasagot ng harapan... pagtira ba ito ng nakatalikod?... siguro... pero hindi rin ganoon... buti na lang lahat may kalayaan sa pamamahayag... batid ko na hindi talaga ganoon kadali ibigay ang pagtitiwala para sa ibang tao... ngunit ang sobrang panghuhusga ay maaari ring magdulot sa isang tao ng hindi kanais nais na pagtingin mula sa iba pa...

hindi talaga ako natutuwa sa mga bagay na nangyayari sa aking magulong paligid... lalo na sa araling iyon.. hindi ko ito nais pagtuunan ng higit na pansin ngunit kung susuriin ng masinsinan mababatid ng sinuman na hindi talaga ganoong kasaya sa piling nya... sabi nga ng iba... mas kanais nais ang ugali ng kabiyak niya...

isasama ba iyon sa papeles kung hindi siya ganoon kahalaga?... oo nga... ngunit ang punto... ay mayroong mga bagay na mas mahalaga pa sa bagay na ipinapahayag niya... talagang napakawalangkwenta... oo aaminin ko hindi ganoon kaayos ang lagay ko sa nasasabing usaping ito, ngunit ito ay dahil sa kawalang ganahan ko sa mga bagay na hindi mo kapapakiramdaman ng anumang importansiya...

naniniwala ako na ang paggalang ay makukuha mo kapalit rin ng pagbibigay ng paggalang sa ibang tao.... ngunit may mga nilalang na hindi mo maiiwasang mag mataas sapagkat matayog itong nakatayo ngayon sa tuktok... sa rurok... sa kaitaasan.... sabi nga sa isang litanyang kinatha ko kasama ng isang kamag- aral... "yumaman ka man, mamamatay ka pa rin..." pare-pareho lang tayo ng maaaring kahantungan... ngunit ngayon habang nakatapak pa sa lupa ang ating mga paa... hindi natin maaaring pigilan ang pagkakaroon ng pakpak ng iba... lumilipad sa himpapawid ang pakiramdam ng mga taong akala mo ay nagtataglay ng lahat ng pinaka magagandang bagay sa mundo... kung pakasusuriin at ihahambing sa mga kaantasan niyang nilalang, hindi niya makakayanang pumantay sa mga ito... oo nakababa pa siya... hindi ako ganoon kagaling at alam kong wala ako sa posisyon para husgahan ang katauhan niya... ngunit ito ang siyang aking nakikita... napapansin... at nararamdaman... hiling ko lang na sana.. sana lang... sa mga susunod na panahon ay maintindihan rin ng mga nakatataas na lahat ng nilalang ay nagkakamali rin... na hindi dahil sa nasa itaas ka ay hindi ka na bababa kailanman... sana...sa mga darating na panahon mabago rin ang ihip ng hangin... bumaligtad ang ikot ng mundo... sikatan rin ng araw ang madilim niyang himpapawid... at mabawasan ng gaspang ang nakasusugat niyang mga parating...

gayunpaman, "hindi ko hahayaang tuluyang anurin ako ng dagat... sasagwan ako hanggat kaya... lalangoy hanggat may lakas... tutuloy kahit hapong-hapo na..." balang araw makakaintindi rin ako sa karamihan ng mga bagay-bagay na naganap at patuloy na nagaganap ngayon... hindi titigil ang mundo para sa akin... at hindi ko rin ito kayang patulinin... ngunit kaya ko itong lakbayin ngayong kasalukuyan... sapagkat alam ko kung hanggang saan ang aking makakaya... hindi ko ipagpipilitan ang mga bagay na kagaya ng kaniyang mga ginagawa at ipinapakita...

sa huli, hindi pa rin ako oh siya ang magpapasya... wala ni isa ang marapat na magdikta... maliban na lamang sa Kanya... oo... Siya nga... Siya lang at wala nang iba...

ikaw?... nakaengkwentro ka na ba ng walangkwenta?...^.^

No comments:

Custom Search