ilang panahon na rin ang lumipas, umulan na nang sobrang lakas sa mundong ginagalawan ko... sumobra na rin ang mga naranasan kong init... ilang beses na din akong lumusong sa baha at minsan, maranasang magtampisaw sa tubig na naipon nito...
Pagkakataon nga naman, ano bang meron sa petsang ito? sa dinami-rami ng araw sa kalendaryo... Mayroon namang tatlongdaan at animnapu't apat pang ibang panahon...
Una, ang paggunita sa ikaapa'tnapung araw na kamatayan ng aking Pangulo... Ang dami naman simbahan na pwedeng puntahan ni Kris, pero ang lakas talaga ni Bishop kay Itay... Personal daw niyang pinili ang Cathedral ng Balanga para doon niya gunitain ang kamatayan ng kanyang Ina sa Misang hinanda ng Parokya- sabi ni Kris... Ayun, ang mga Balangue
Ako? Gutom ako eah... kumain na lang kami sa Chowking, halos tapat lang ng kanto papasok ng parking area ng simbahan... ang daming tao, nakakatamad makiusyoso... sayang! pagkakataon ko na sanang makita si Baby James...:D
Ikalawa, nagdeklara na ang unico hijo... tatakbo daw siya... sana nga iba siya sa lahat ng mga pulitiko, sana mapantayan nya nga yung nagawa ng mga magulang niya kung sakaling maluklok man siya... wag lang makuha ang ugali ng ibang mga napupuwesto, kung makakain sa resto milyon pa ang pinaluluto... Pakape ka na lang!... :D (Starbucks! Lol..)
-singit ko lang, ngunit wala namang masyadong importansiya ito doon sa talagang pakay ko... yung ibang pulitiko lang kasi kung magapaglabas ng 'infomercials' parang sobra lang sa pag smoke belching... "Yayaman tayo.", parang sarcastic baga... ang hirap talaga minsan magbuhat ng sariling
Ikatlo, Birthday ng isang importanteng nilalang (na hindi ko alam kung bakit nalikha sa mundong ito...) ni hindi ko mawari kung paano oh bakit nagaganap ang mga bagay-bagay na wala ni isa man lang bang koneksiyon sa pagkakaayos ng mga bituin sa langit ngayon, oh sa paggalaw ng mga planeta sa 'axis' nito, kahit sa pagtatago ng buwan sa likod ng mga ulap, aaraw, uulan, tapos nalagyan pa ng glitters yung pantalon ko kanina... nakascarf pa naman ako... buti na lang kumain ako ng hapunan...
ha?... ang gulo ano? hindi ko rin alam kung bakit, pero yung tao kasi na ito masyadong ginugulo ang mundo ko... minsan naiisip ko, bumili kaya ako ng mighty bond (para mapagdikit ko na lang palagi yung mundo namin), kasi para siyang si superman (napakalakas ng dating)... ayaw ko lang sabihin oh tawagin siyang mcdo (Love ko 'to) bka sabihin obvious na masyado... :D korni nga daw ako, pero alam ko nangingiti naman siya kahit papaano kapag sinesendan ko siya ng quotes na korni, yung tipong,
"Kung nasa laboratory raw ako at kasama kita... Anong English nun?... uhmmm... eh di...
I'm in lab with you!... ayeee!"
I'm in lab with you!... ayeee!"
tama na nga ang kalokohan...
Ikaapat, oo eto na talaga yun... sa mga pinaggagagawa ko ba naman dito sa lugar na ito, hindi ko akalaing tatagal ako ng ganito... Isang taon na pala ako dito... hindi ko man lang namalayan, ang bilis talaga ng panahon. Maraming tuldok na ang nagawa ko (eto, '....'), nakakairita ba? medyo'...' naniniwala lang kasi ako na ang bawat letra, ang bawat salita, ang bawat parirala, oh kahit isang buong talata, lahat ng ito ay maaaring laging may karugtong, posibleng ang tuldok, dagdagan pa ng dalawang tuldok, tapos ilang salita... hanggang sa mabuo ang isang bagong talata... (ang saya di'ba?) gusto ko lang gamitin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang lahat ng nilalang, pagkakataon, panahon at kung ano-ano pang mga bagay na nagtutulak sa akin upang ipagpatuloy ko ang aking makabuluhang pagsusulat. Kung hindi siguro dahil sa mga ito, wala akong malilikhang katha...
Nagsimula ako sa wala, nandyan si 'chique' (spexal mention!), na laging nag iiwan ng komento kahit walang kwenta ang ilan kong gawa (di naman lahat)... tayo lang kasi minsan nakakaintindi sa gawa ng isa't-isa (nakakarelate baga dung!). Tapos unti-unti nadagdagan kahit papaano yung mga napapadpad dito sa site ko... masaya na ko dun! sabi ko nga, okey lang naman kahit wala oh konti yung nagbabasa ng mga katha ko, ok lang kahit hindi din magcomment yung ibang napapadaan, ayos lang kung hindi maappreciate ng ibang tao yung mga naisusulat ko... Nagsusulat ako kasi eto yung gusto ko. Gusto kong ilabas kung ano yung nasasaloob ko... gusto kong kahit papaano mabawasan yung mga iniisip ko, maibsan yung mga kalungkutan, maibahagi yung mga kasiyahan, at simpleng matuto mula sa iba...
sabi nga ni Anne Frank,
"I can shake off everything if I write, my sorrows disappear, my courage is reborn."
at sabi ni Aya,
"If i don't write down the things in my heart right now, tomorrow... then i would forget it and disappear..."Nagsimula ako sa wala, nandyan si 'chique' (spexal mention!), na laging nag iiwan ng komento kahit walang kwenta ang ilan kong gawa (di naman lahat)... tayo lang kasi minsan nakakaintindi sa gawa ng isa't-isa (nakakarelate baga dung!). Tapos unti-unti nadagdagan kahit papaano yung mga napapadpad dito sa site ko... masaya na ko dun! sabi ko nga, okey lang naman kahit wala oh konti yung nagbabasa ng mga katha ko, ok lang kahit hindi din magcomment yung ibang napapadaan, ayos lang kung hindi maappreciate ng ibang tao yung mga naisusulat ko... Nagsusulat ako kasi eto yung gusto ko. Gusto kong ilabas kung ano yung nasasaloob ko... gusto kong kahit papaano mabawasan yung mga iniisip ko, maibsan yung mga kalungkutan, maibahagi yung mga kasiyahan, at simpleng matuto mula sa iba...
sabi nga ni Anne Frank,
"I can shake off everything if I write, my sorrows disappear, my courage is reborn."
at sabi ni Aya,
gusto ko, tumagal pa ako sa pagsusulat ng isang taon tapos doblehin ng mga isang milyong beses... at dagdagan ng mga isang daang milyong beses na lang... ayos na sa akin iyon...
oh siya, may duty pa ko bukas... at naghahati na ang araw... lumampas na ako sa 09/09/09, Setyembre 10 na...
Maligayang Kaarawan sa akin, sa kanya, sa amin... :D pano ba yan, mukhang imposibleng makalimutan ko talaga ang date na ito... Ganoon yata talaga pag importante... hehehehe... mahirap kalimutan, mahirap maalis sa isipan... sluggish ako eah... mabagal! pahingi nga ng 'do'... dadagdagan ko lang yung t*rpe ko... (para medyo bumilis, kailangan 'torpedo')... :D
¡feliz cumpleaños!...
2 comments:
habertdey! :D
salamat sa special mention.. :D
mamat din... :D
Post a Comment