Custom Search

Friday, August 7, 2009

I was pigged!... Lol:D

.,binaboy ako kagabi!... Lol... una, hinagis nila ang barya, tao daw sa kanya, buntot ang sa akin, tapos... tapos... buntot ang lumabas... pinahiga nila ako... tinanggal lahat ng mga kagamitan ko sa aking katawan... (kala nila dala ko yung cabinet ko...) "alisin lahat ng gamit... lalo na yung mga metals..." sabi ni sir...

inalis nila yung nameplate ko (ang pangalang laging pinaghihiwalay... balang araw magsa-sama rin sila ng matiwasay), may thermometer pa ko sa bulsa ng shirt ko (malay ko bang di pala magagamit)... dalawang bolpen (baka kasi mag blot yung isa, mahirap na... boyscout yata to...), may barya (ewan ko kung magkano), sa ibabang pocket may notepad (syempre para maisulat lahat ng info. na sasabihin ng mabilis na magsalitang si Sir), may penlight (ER kasi eah, makita ko lang yung mata ng patient baka maputi na)... wallet (si L.V. ko! baka makita walang laman!), tapos yung mga cellphone ko (bwaaaahhhh di ko pa po nasa-silent yan. Si nokia pa lang, si Sony di pa... bahala kayo may makita kayo dyan...) inalis din nila yung belt ko... nawindang silang lahat!... bwahahaha..."ano to?", sabi ni Sir... "may tali..." may sinabi sya, yung ginagamit daw ng mga babae... di ko alam kung ano yun... (nakaboxers kasi ako!... eah slim kaya ako... kaya kailangan talaga may tali! mahirap na...) ayun nagtawanan sila... hiya ko naman sa sarili ko... (kailan pa naging masama ang magsuot ng blueng boxers na may tali sa waist para hindi malaglag? hmp!)...

para naman di na sila nahirapan ako na nagtanggal ng sandamukal na butones sa uniform ko... inangat ko na rin yung t-shirt kong maputla ang kulay kaysa sa bago kong uniform...

"ui ava (tawag nila sa'kin, kainis nga sabi nang ANGELO pangalan ko eah!), coca cola ka pala! (pwede ko bang gamitin ang seksi bilang lay man's term? slim daw kasi ako, inggit sila hehehehe...) hihihi..." (ang tawanan ng mga loko, wala mang ab na bukol-bukol, wala namang potbelly, as in seksi! Lol)

kinabit nila ang kung ano-anong kable... may posas sa paa dalawa, sa kamay dalawa din... tapos red daw for the right hand, yellow for the left... red daw sana si Marcos, tapos katapat sa paa itim kasi (sumalangit nawa)... tapos yellow si Cory, tapos sa paa green (RIP din)... sa dibdib nilagay nila yung mga kabute.. Red, Yellow, Green, Brown, Black, Violet... (bakit kasi hindi na lang pa-rainbow! wala namang brown tsaka black sa rainbow eah!)...

sa isang banda, okey na din na ako na lang... kaysa naman sa mga binibini kong kagrupo... mga virgin... (nakakahiya daw... sabi ko naman eah kami-kami lang naman ah!) ayun... sa hinaba-haba ng prusisyon, sa mga papel din na to ang tuloy...

kinakabahan daw ba ko?... kung hindi ako nagkakamali, yung HR eah yung heart rate!... (naks galing ko no!) yung sa magkabila nung I and III 98 tapos 99, eah yung sa II-134, may something daw ba ako sa puso oh kinakabahan lang ako?... sabi ko, "yung mahal ko po kasi hindi ako gusto ng higit pa sa kaibigan..." bwahahahaa!... loko!
tapos yung sa aVR ko 102, tapos yung sa aVL 106... ano ba yan... taas ah... kabado nga yata... first time eah... virgin din...

normal naman itong mga nasa baba kaya lang masyadong mataas daw yata yung sa Q, R, S ko sa V4 tsaka V5... sa V2 biglang baba... as far as i know, wala naman akong komplikasyon sa puso, yun nga lang... wala lang talaga syang love life... naconscious tuloy ako sa reading ng ECG ko...

kasi naman, nag-Establish nga ng rapport, hindi naman nag-provide ng privacy!... LOl... (mamaya duty na naman sa ER... makikita ko nanaman si Sir... maliligaya na naman yung mga groupmates kong babae...)

3 comments:

Anonymous said...

yoh! buti pa talaga kayo..

btw, i think mam jmas is related to you. a****** ang middle name niya.

share ko lang.

wanderingcommuter said...

hahaha. ginawa ko din ito dati, threadmill stress test! tama ba!

angel-o said...

@chique, siguro nga... kung taga orion xa or abucay... pwedeng related kami...

@wandering,

Lol, ECG po yun... hehehe...(pero yung epekto ng pag eexercise pwede nga lumabas dun...) di pa ko nakakapag threadmill eah... :D

Custom Search