Custom Search
Showing posts with label ......tagalog....... Show all posts
Showing posts with label ......tagalog....... Show all posts

Monday, July 27, 2009

SO, ano NA?...

.,break muna ako sa pagi-ingles... engalog muna...

it has always been a pleasure to watch PGMA's STATE OF THE NATION ADDRESS... nung una naiisip ko lang, san kaya nagpapatahi ng damit si Madam President?... ubeng ube siya kanina... suman na lang solve na!... :D

natutulog ako mga alas kwatro, tapos nagising ako, narinig ko may nagpapalakpakan sa tv... aun bumangon ako mula sa mahimbing kong siesta at nakiusyoso sa kung ano ang meron.. "ai oo ngapala, SONA!" (anu naman sa'kin... hindi naman ginawang half-day yung klase... tsaka kung mag half-day man, eah half-day lang naman talaga schedule namin ngayon...kainis!) balik sa SONA...

I, initially, upon taking a fast glance have noticed PGMA's hair style, "uy bago!.." but it does not suit her best. The one's she have had before were much better... kailangan kasi ipakita talaga yung earrings. Color coordinated din Siya mula ulo hanggang paa... those purple earrings, the pink hanky, the shoes, and of course yung masalimuot na terno... (meron pang handy baglet na pang abay ng ninang sa kasal...) sabagay, hindi lang naman siya yung may suot ng Filipiniana... pati yung ibang congresswoman hindi papatalo... magkano kaya ginastos nila sa pagpapa hair-do?... well, its none of my business, i guess...

of all the SONA's I've watched and heard, this is the only one, I think.. which was the strongest of all... (eah dalawa lang naman ang napanood ko... may pasok kasi lagi...) PRESIDENT ARROYO have always amazed me of her speeches.. which makes me wonder how long she prepares for this very awaited moment, not only by her alliances but also by the opposition... I didn't pay much attention with the ralliers.. now, i have had more time on listening and bringing down deep through my thoughts Madam President's quotable qoutes...

She have said, "My term does not end... until next year." - if I'm not mistaken, this was for the opposition people who, says that PGMA is laying down the plans on extending her term in Malacanang... (Charter Change baga...) "I have not declared Martial Law.", she added. what does it imply? why have she said such words? may be she just used those words to put emphasis on the people that she, for an instance, may be (dami naman LOl), have thought of making other strategies to lengthen her stay at the highest seat but then, eventually, as her term is now coming to an end, she have realized that it was all enough that she tried... (just an opinion...) for her critics/critiques, Mrs. Gloria Arroyo uttered such words, "They are frightened by their own shadows." and she also said, "I will defend democracy." Mrs. Arroyo is indeed a very courageous woman to say such words... and that she is very strategic that she was able to use this time to speak up for herself.

a phrase left me hanging on air, and i still wonder who she was pertaining to when she said, "Those who lives in glass houses should not throw stones." the crowd went shouting and clapping and also some giving praises i guess... are those the crazy politicians
? I am not a very outspoken person and that I seldomly give my opinion regarding political issues... but upon hearing this SONA, somehow, i got interested on finishing a puzzle about politics.

Mrs. Arroyo have also acknowledged the presence of, and the contributions of Manny Pacquiao, and made a statement, it goes... "...however, a national problem cannot be knocked out by a single punch." I say, Madam President has got the 6th of the 5 senses...:) that is, humor. I see, it feels such a great honor to be a part of the 'special mentions' of the President. Manny Pacquiao has got the biggest smile among all those who was regarded by the President as a 'contributor' to the Philippine panorama.

"Nasa kamay natin ang ating kakayahan...", said PGMA. yeah right, we can't always wait for the government to take action... to initiate making programs, sometimes we can only depend on a single person at a time... Ourselves. She even gave thanks to the countrymen who, in their 'earnest' considerations have put her on where she is presently standing. "Maraming Salamat!", said the President (not very much welcome, replied by some...:D). A long standing ovation was given to the Her. Sadly, i was not able to count the "eager/ more than willing" appraisal of the audience to each and every 'pause' made by the President.

"MABUHAY ANG PILIPINAS!...", were the last words of the President... in fairness to her, galing niya mag memorize ng speech, ala eah kahaba ai!... I have had only a 6 or 7 minute speech as my longest. That's what makes her stand out from the rest, the best example for a "Small but Terrible" individual.

To the President, "I Salute You...",hair-well done, I mean, Job well done.


P.S.
hirap siguro mamuno sa Pilipinas?.. maging leader nga lang ng Group sa school haggard na haggard na ko... pano pa pag humabol ako sa pagka presidente at manalo... gano kaya kahirap?...
(sabagay, libre naman mangarap... kaso gusto ko magapari muna eah... San kaya ko pupunta?... Seminaryo ba oh Malacanang?)

Thursday, June 4, 2009

Paggunita... (Reminiscing...)


"...
anumang dahon na nalalagas sa isang puno ay dahan-dahang magkakasibol na muli..."



hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa aking isipan kung bakit nagawa ko ang bagay na ito... basta ang alam ko lang, masaya ako habang nakikita ang mga larawang nagpapanumbalik sa mga pinakamasasayang ala-ala habang kapiling ko ang aking mga 'tunay na kaibigan'...

alam ko, walang permanenteng bagay na nalikha para magtagal dito sa mundo... ngunit alam ko rin na mayroon namang mga bagay o mga pangyayari na nagaganap upang ipanumbalik muli sa atin kung ano man yung mga bagay na maaari nating makaligtaan...

sa loob ng humigit-kumulang dalawang taon, ang mga taong ito ang aking nakasama sa paglikha ng mga ala-ala... mga ala-alang nagbigay kasiyahan at ngiti sa aking mga labi, at lungkot at mga luha sa aking mga mata sa kani-kaniyang mga pagkakataon... walang tao na kayang mabuhay nang nag iisa... gaano man kasaya o kagulo ang mundong kanyang ginagalawan sa iba't ibang panahon at pagkakataon... kinakailangan pa rin niya ng makakaramay upang punan ang isang kulang na bahagi upang mabuo ang isang masayang ala-ala...

ngayon, matapos ang mga masasayang panahong ito... ang mga bagay ay dumarating sa kani-kanilang kahahantungan... laging nagkakaroon ng pagbabago... walang nananatiling permanente sa nilikhang mundo... ang bawat naumpisahan, dumarating sa katapusan... ngunit sa bawat katapusang ito, muling sumisibol ang isang panibagong simula... isang simula na patuloy muling iinog... isang simula na nanggaling sa nakaraan at unti-unting gumagawa ng daan patungo sa kasalukuyan... kasalukuyang magdurugtong sa atin patungo sa hinaharap...

maaaring matapos ang isang samahan... maaaring mawala sa isang iglap ang mga bagay na hindi natin inaasahan... oh sa isang iglap rin mabago ang lahat-lahat...

hindi na muling maibabalik ang nakaraan... mabubuhay na lamang ang tao sa kanyang kasalukuyan... ngunit sa isang mumunting paglingon, maaari nating balikan ang mga bagay kung nanaisin... hindi sa pamamagitan ng pagbalik sa nakaraan, ngunit sa pamamagitan ng pagbuo sa naghihintay na hinaharap...

sa mga taong naging bahagi ng aking masaya, magulo, at mahirap na buhay kolehiyo; sa aking mga kaibigan, sana'y dumating ang pagkakataon na sabay sabay nating marating ang rurok ng tagumpay... ang muling lumikha ng kasiya-siyang mga sandali... at ang pagdidikit muli ng mga napipilas na pira-pirasong papel...

mula sa mga kathang isip na pagnanais... hanggang sa pagsasakatuparan ng mga ito...
sa bawat buhos ng inumin, at sa pagtaas ng mga baso... sa pagbabato ng mga bote, at pagsisigawang walang halaga (cheap:)...

"sa paglipas ng panahon, ang mga nalilikhang sugat ay unti-unting maghihilom...

katumbas ng anumang dahon na nalalagas sa isang puno at dahan-dahang nagkakasibol na muli..."


-angelo...=)

Thursday, March 12, 2009

.,Pagod....

.,anong gagawin mo kung malaman mong dalawang minuto na lamang ang nalalabi sa buhay mong napakaikli lamang?... ako?.... matutulog na lang ako!... para dire-diretso na diba?.... :)
hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.... sa mga panahong ito... tatlo... oo, tatlong araw na... walang pagbabago... hanggang ngayon nilalagnat pa rin ako... hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin... hindi ako makapag aral ng maayos... walang kaluwalhatian ang aking paligid... pagod na ko... iinom ng gamot... matutulog... kakain... magpapahinga....
bawal lumabas ng silid... bawal gumamit ng computer... bawal manood ng telebisyon... ano pa?... pagod na 'ko... ano pang bawal?... bawal huminga?...

ilang linggo rin akong napahinga sa pagbisita sa lugar na ito... nawalan na ako ng panahon sa mga bagay na karaniwan kong ginagawa.... dati... noong mga panahong maayos pa ang sitwayon sa eskwela... and daming proyektong kailangang tapusin ngayon... at idagdag mo pa ang mga hindi inaasahang mga pangyayari.... hindi ako makakain ng maayos... nagugutom na ako.... napapagod.... nahihirapan...

matapos ang huling sayaw ko sa araling iyon nagsimula ang lahat...lunes, hindi ko alam kung paano naganap... basta ang alam ko nangyari na lang bigla.... gusto nang bumagsak ng katawan ko.... hapong-hapo na ako... lagi na lamang pagal ang aking nararamdaman.... sunod sunod na ang mga eksaminasyon sa eskwelahan matapos ng sayaw na iyon... at sa kasamaang palad wala ako sa aking sariling konsentrasyon ng mga panahong iyon... may maikling pagsusulit sa isang suhekto... isang mahabang pagsusulit naman sa susunod na araw... sabay sabay... walang patid... walang humpay.... nakakapagod... nakakapang hina... "hindi ako sigurado sa mga sinagot ko...." sariling interpretasyon... kanya kanya na lang yan..." sa pagkakataong ito ko lamang napag tanto kung ano na talaga ang nangyayari sa akin... pinipilit ko lamang ang sarili ko na tumayo kahit hindi ko na kaya.... ngumiti kahit nahihirapan na.... ang init ng aking pakiramdam.... wari mo ako'y inaapuyan.... hindi ko na kayang bumangon pa sa kamang aking hinihigaan...

lumipas na ang araw... miyerkules, mayroon na namang pag susulit.... gaya ng nauna, hindi ko ito pinag handaan.... ang alam ko lang may lagumang pagsusulit kami at iyon ang paghahandaan ko... kinakailangang gumamit ng malalalim na kawikaang tagalog para sa presentasyong iyon... at sa awa naman ng Panginoon nabigyan ang aking grupo ng mataas na grado.... (partida pa may sakit ako, una kami at pinaghandaan namin ito kulang isang araw bago ang mismong tagpo....) buti na lang....

ngayon, walang pasok, pero sa susunod na linggo may sarili na naman akong mundo .... dapat sana nagpapahinga ako.... pero kailangan ko rin kahit kaunting panahon na sapat lamang upang mabisita kitang muli.... sana bukas maging maayos na ako.... hindi ko na alam kung anong gagawin ko... mag papahinga... mag aaral... at bibigyan ng panahon ang aking sarili....

maaayos na ang lahat...

umaasa ako...
mag hihintay....
alam ko....



oo, magiging maayos rin ang lahat.....

Wednesday, February 4, 2009

.,napakawalangkwentapalaniya...

.,isang umaga... ganap na ika-siyam ng mga oras na iyon... ikalawang aralin kaninang umaga...(buti na lang demokratik kawntri tayo...:)

hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali... mga taong wala ni kaunting konsiderasyon na nalalabi para sa iba... isang munting kahilingan lamang... mahirap ba talagang magparaya?... o magpaubaya?... napakawalangkwenta naman ng mga bagay na tinatalakay ukol doon... ngunit akala mo ay sobrang halaga para sa isang propesyon na puro lamang siyensya ang pinag aaralan... maisasabuhay ko kaya ito sa hinaharap kung sakaling magtagumpay ako sa tinatahak kong daan ngayon?... hindi lamang sa iisang bagay umiikot ang mundo... naglalakbay ito sa paligid ng iba pang planeta... sa araw, at nagiikutan rin sila ng buwan... hindi ko maintindihan kung maramot ba siya oh sadyang wala lang siyang pakialam para sa nararamdaman ng ibang tao...

akala mo ay kung sino kung umasta... ayokong magmukhang bastos sa harap ng maraming tao kaya hindi ako sumasagot ng harapan... pagtira ba ito ng nakatalikod?... siguro... pero hindi rin ganoon... buti na lang lahat may kalayaan sa pamamahayag... batid ko na hindi talaga ganoon kadali ibigay ang pagtitiwala para sa ibang tao... ngunit ang sobrang panghuhusga ay maaari ring magdulot sa isang tao ng hindi kanais nais na pagtingin mula sa iba pa...

hindi talaga ako natutuwa sa mga bagay na nangyayari sa aking magulong paligid... lalo na sa araling iyon.. hindi ko ito nais pagtuunan ng higit na pansin ngunit kung susuriin ng masinsinan mababatid ng sinuman na hindi talaga ganoong kasaya sa piling nya... sabi nga ng iba... mas kanais nais ang ugali ng kabiyak niya...

isasama ba iyon sa papeles kung hindi siya ganoon kahalaga?... oo nga... ngunit ang punto... ay mayroong mga bagay na mas mahalaga pa sa bagay na ipinapahayag niya... talagang napakawalangkwenta... oo aaminin ko hindi ganoon kaayos ang lagay ko sa nasasabing usaping ito, ngunit ito ay dahil sa kawalang ganahan ko sa mga bagay na hindi mo kapapakiramdaman ng anumang importansiya...

naniniwala ako na ang paggalang ay makukuha mo kapalit rin ng pagbibigay ng paggalang sa ibang tao.... ngunit may mga nilalang na hindi mo maiiwasang mag mataas sapagkat matayog itong nakatayo ngayon sa tuktok... sa rurok... sa kaitaasan.... sabi nga sa isang litanyang kinatha ko kasama ng isang kamag- aral... "yumaman ka man, mamamatay ka pa rin..." pare-pareho lang tayo ng maaaring kahantungan... ngunit ngayon habang nakatapak pa sa lupa ang ating mga paa... hindi natin maaaring pigilan ang pagkakaroon ng pakpak ng iba... lumilipad sa himpapawid ang pakiramdam ng mga taong akala mo ay nagtataglay ng lahat ng pinaka magagandang bagay sa mundo... kung pakasusuriin at ihahambing sa mga kaantasan niyang nilalang, hindi niya makakayanang pumantay sa mga ito... oo nakababa pa siya... hindi ako ganoon kagaling at alam kong wala ako sa posisyon para husgahan ang katauhan niya... ngunit ito ang siyang aking nakikita... napapansin... at nararamdaman... hiling ko lang na sana.. sana lang... sa mga susunod na panahon ay maintindihan rin ng mga nakatataas na lahat ng nilalang ay nagkakamali rin... na hindi dahil sa nasa itaas ka ay hindi ka na bababa kailanman... sana...sa mga darating na panahon mabago rin ang ihip ng hangin... bumaligtad ang ikot ng mundo... sikatan rin ng araw ang madilim niyang himpapawid... at mabawasan ng gaspang ang nakasusugat niyang mga parating...

gayunpaman, "hindi ko hahayaang tuluyang anurin ako ng dagat... sasagwan ako hanggat kaya... lalangoy hanggat may lakas... tutuloy kahit hapong-hapo na..." balang araw makakaintindi rin ako sa karamihan ng mga bagay-bagay na naganap at patuloy na nagaganap ngayon... hindi titigil ang mundo para sa akin... at hindi ko rin ito kayang patulinin... ngunit kaya ko itong lakbayin ngayong kasalukuyan... sapagkat alam ko kung hanggang saan ang aking makakaya... hindi ko ipagpipilitan ang mga bagay na kagaya ng kaniyang mga ginagawa at ipinapakita...

sa huli, hindi pa rin ako oh siya ang magpapasya... wala ni isa ang marapat na magdikta... maliban na lamang sa Kanya... oo... Siya nga... Siya lang at wala nang iba...

ikaw?... nakaengkwentro ka na ba ng walangkwenta?...^.^

Monday, September 29, 2008

.,one day- isang araw....

.,labag man sa aking kalooban ngunit kinakailangan talaga na maganap ang bagay na ito ngaung panahong kasalukuyan.... hindi ko talaga ito gusto.... wala lamang akong ibang pagpipilian....
hindi ko makuhang magalit.... siguro nga masyado akong mabait.... hindi ako pumapatol masyado sa mga taong walang ibang intensyon kundi ang magmalaki at tanghalin ang sarili na nakahihigit kaysa sa iba.... (patawarin na ako ng nasa itaas ngunit ako'y tao, napupuno rin.... at kailangan maglabas ng sama ng loob....) nakalulungkot isipin na ang mga bagay ngayon sa aking buhay ay hindi tumatakbo ayon sa aking mga kagustuhan.... nakapanglulumo lamang na isipin ang mga bagay na ganito... kasalanan ko ba?..... wala naman akong masamang ginagawa.... hindi ko alam kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa mga taong hindi ko alam kung ano... pinipilit kong makisama sa halos lahat ng uri ng tao.... yung mga taong ngayon ko lamang nakakahalubilo.... hindi siya marunong makiramdam.... hindi naman kami dumadaan sa madaling mga bagay.... gayunpaman inaasahan ko na rin kahit na papaano na mangyayari rin ang ganitong bagay.... pagsubok ang bawat araw na dumadating.... walang kasiguruhan kung ano ang naghihintay para sa akin.... hindi lahat nagtatagumpay sa bawat nilang hangarin pero patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakbay..... paano ba mabuhay na ang mga bagay na nakapaligid sa iyo ay hindi mo hawak?..... kahapon nakapanood ako ng isang dokumentaryo.... tungkol iyon sa mga taong namuno sa isang mahinang bansa.... mahina nga ba?.... hindi ko alam.... at ayoko nang palawigin pa ang mga bagay ukol doon.... nakakapagbukas ng isip.... ayos lang sa akin na ganoon.... marahil nga ay naging malaking tulong talaga ang pagiging kristiyano ko ngayon.... unti unti.... kahit na maliliit na hakbang.... tumutuloy ako.... dahan dahan.... walang pakialam.... napakarami ng mga bagay ngayon na bumabagabag sa aking isipan.... hindi ko maintindihan kung bakit.... naliligaw na naman ba ako?.... oh sadya akong lumalayo?..... paano ko ba haharapin ang bawat bukas na naghihintay sa akin..... napaka raming pagsubok.... napakaraming mga bagay na dapat gawin.... hindi ko alam kung magtatagumpay rin ba ako?.....
sana lang maintindihan nya yung mga bagay na kailangan talaga naming gawin.... sana lang talaga huwag naman siyang maging masyadong makasarili.... isipin man lamang niya yung ga tao na naka paligid sa kaniya.... oo mahina nga ako.... pero may tiwala ako sa Diyos.... ayokong sabihin na wala akong pakialam sa nararamdaman niya pero alam ko na sa bagay na yun may kasalanan pa rin ako kahit papaano..... sabi ko kanina "lumubog na ako...., hukayin nyo ako ulit...." nung mga panahong iyon talaga wala akong naiisip kundi ang pagkakalibing ng buhay.... (hindi sa literal na pananalita).... ngunit talagang nasaktan pa rin ako kahit iniisip ko na ayos lang iyon.... napakaraming dapat na gawin.... hindi ko alam kung papaano ko pagkakasyahin ang manipis kong katawan sa mas makitid pang daan.... paano nga ba?>.... Diyos ko tulungan Mo po ako..... hindi po ako karapatdapat ngunit hinihiling ko po na sana lang maging maayos ang lahat.... naniniwala po ako sa Unang Corinto 10:13.... ngayon ko lamang ito mababanggit dito.... 1Corinthians 10:13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi dinanas ng lahat ng tao, Tapat ang Diyos at hindi Niya ipahihintulot na kayo'y subukin ng higit sa inyong makakaya.... sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon....
lumuluwag na rin ang aking pakiramdam ngayon.... medyo maayos na.... ngunit medyo mahirap pa rin kalimutan.... bukas bagong araw na ba?.... ano nang naghihintay sa akin?.... hindi ko ito gustong isipin pero nagaganap.... basta bukas.... bago na ang araw.... hindi na yung ngayon oh kaya nung nakaraan.... Diyos na lang ang huhusga.... iniiwan ko na sa kaniya ang pagpapasya.... marami pang araw.... marami pang darating.... at patuloy akong maghihintay....
Custom Search