Custom Search

Friday, November 13, 2009

Ang Ika Labing-tatlo

.,Marami nang masyado ang mga naganap sa nakalipas na dalawang linggong mahigit na pagpapahinga ko sa isang gawaing lubos kong kinagigiliwang tupdin.
Ikalawang araw ng paglilingkod-serbisyo para sa isang aralin sa aking kurso (ang muling pagbabalik ng nakalipas na delubyo? hindi na siguro...) , hindi ko masasabing lubha akong natutuwa sa mga nangyayari sa aking buhay habang patuloy na umiikot ang mundong aking ginagalawan ngunit kung susukatin at titingnan sa maliwanag na bahagi nito masasabi kong mapalad pa rin ang nilalang na patuloy na naghahanap sa mabubuti at magagandang bahagi ng isang sitwasyon, bagay, o pangyayari.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula ng ako'y makalipat ng klaseng aking pinapasukan, hindi ako ganoon kasaya simula noong mga nakalipas na panahon, ngayon- bagong mga mukha, ilang mga paikot-ikot na pag-uugali, at di mabilang na pakikisalamuhang kailangang buuin unti-unti... sa mga desisyong aking ginawa wala naman akong pinag sisisihan ni- isa man sa mga iyon... may mga bagay lamang na kailangan talagang talikuran sa halip na pagtiisan ito at mag sisi habang nasa sitwasyong iyon... nakakapanghinayang nga lamang isipin na kaakibat ng mga desisyong ito, minsan kailangan nating isakripisyong mahiwalay sa mga taong napalapit rin sa iyo kahit papaano... pagkakaibigang kailangang pansamantalang mapawi para sa ikabubuti ng aming sarili...

Sa pag-iwas sa isang sitwasyon, hindi lahat ng mga nilalang na nakilala natin noong mga panahong nagdaan ay masaya para sa mga nangyayari sa buhay ng iba, may mga taong makikitid ang pagpapahalaga sa mga pinagsamahang mga pagkakataon; biro man o totoo ang mga salitang lumalabas sa bibig ng tao ay lubhang makapangyarihan na kaya nitong paikutin at baligtarin agad ang pakikitungo ng isa sa iba... lalo na kung sa mga salitang iyon, hindi tuwa bagkus ay pagkamuhi ang iyong madarama.

May mga pangyayaring madalas ay idinidikit ng tao sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay, mga karanasang pinaniniwalaang nagdudulot ng kung anong bagay na mahirap maipaliwanag... Halimbawa na lamang ngayon ang paggamit ko ng wikang Filipino sa aking katha... walang sinuman ang makapagsasabi kung bakit oh paano, oh ano man ang koneksiyon nito sa aking nararamdaman...

"hindi lahat ng anghel nasa langit... ngunit hindi rin ibig sabihin na kahit bumaba sila o manatili sa lupa ay hindi na sila maaaring tubuan ng kahit katiting na umbok sa kanilang mga ulo- mga matutulis na bagay na hindi mo gugustuhing makita sa kanila.. na sa halip na isang bilog itong nagliliwanag, huwag na lamang... iyon na nga.."

ni minsan sa tahimik kong isip, hindi ko nawari na makakagawa ako ng mga bagay na hihigit sa kung ano lamang ang nararapat nitong hangganan... higit lalo na sa isang walang kalaban-labang nilalang... nakakaawa... ngunit hindi ko iyon naramdaman, bagkus ay para akong naligayahan...

hindi inasahan ng sinuman sa kanila na kaya kong gawin ang ganoong klaseng bagay... upang putulin ang mapalabok na kwento, ganito ang nangyari...

Isang kaibigan ang nakursunadahan kong makalokohan, hindi naman ako napikon, sino nga ba ang nauna? ang paglalagay ng nadurog na pulbo sa isang itim na pantalon ay labis kong ikinagalak... at sa sobrang tuwa ko, naisip kong pumatol... minsan lang naman eah... makahanap lang ito ng katapat.. :) lumayo siya, akala niya tapos na, ngunit nag uumpisa pa lamang ako... dumakot ako ng mga nadurog na pulbo sa sahig gaya ng sa kaniya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay ng sobrang higpit gamit lamang ang kanan kong kamay, sinigurado kong mararamdaman niya ang higpit nito at pagkatapos? ibinuhos ko sa kaniyang ulo ang pulbong nakuha ko...
tapos na? hindi pa... habang hawak siya ng mahigpit, parang halos kinaladkad ko siya papunta doon sa mga pulbong natapon, nakapulot na ako muli ngunit nakapiglas siya... hindi ako tumigil dahil wala naman siyang mapupuntahan eah... sinundan ko siya, muling hinawakan ng sobrang higpit, umaaray na siya at sinasabing ayaw na niya ngunit wala akong naririnig, mas hinigpitan ko ang hawak at ipinahid ang pulbo sa kaniyang pantalon... walang kapalag-palag... walang tumutulong ngunit may isang umaawat.. naaawa na marahil sa sinasapit ng kaawa-awang nilalang na iyon... hindi pa ako tapos, muli ko siyang halos kaladkarin papunta sa pulbong nagkalat sa sahig, pilit ko siyang pinauupo, ayaw? hindi pwedeng ayaw... pinilit ko siyang maupo... inilapit sa pulbo upang magmarka lalo iyon sa kaniyang pantalon... sumisipa, pumapalag, hinawakan ko ang dalawa niyang paa at hinatak papunta sa sahig na natapunan ng pulbo... inilampaso ko siya roon at hindi ako tumigil hangga't hindi napupuno ng dumi ang kaniyang pantalon... nang ayos na ako at nagliwanag ang isip sa mga pag pigil ng mga kasama namin sa silid na iyon lumayo ako at nakitang ubod ng dumi ng kaniyang damit... namumuti ang kaniyang buhok at talagang hindi mo gugustuhing ikaw ang mapunta sa sitwasyon ng kaawa- awang nilalang...

Natapos iyon at may halong tuwa akong naramdaman. una ito... ngayon ko lang naranasang maging halos demonyo sa harap ng mabibilang mong tao, isa pa, ang guro namin ay nasa di kalayuan... mas nadagdagan ang "thrill" kumbaga...

sabi ko nga, hindi lahat ng 'angel' halo ang nasa ulo, minsan may mga pagkakataon na buntot ang tumutubo sa likod naman nito...
Nagulat silang lahat.. talagang hindi nila inaasahan na magiging ganoon ako kumilos... siguro ni sa hinagap hindi nila naiisip na kaya kong gawin ang ganoon kademonyong bagay... well, anong araw na nga ngayon?... Ikalabingtatlo... hindi sana ako naniniwala sa ganito, kaya lang... may minalas nga eah... paano ba yan?... paumanhin na lang sa kaniya.. hayaan mo... pwede naman natin iyong ulitin... sa susunod putik naman ipapahid ko sa'yo... oh kaya ibabad kita sa kumukulong mantika...

Isa pa nga pala, sabi ng guro namin dati may ibig sabihin ang "MARA" sa ibang lengguwahe, ayoko na lang sabihin... pero Maligayang Kaarawan sa'yo! yun lang ang punto...

eksakto... ngayon ay Ika Labing-tatlo, isa pa muling Labing-tatlo- hindi ko na mahintay, kahit na alam kong wala namang magiging bago... tatanda pa ko... haaaayyyy buhay... Life!

1 comment:

Anonymous said...

hahaha.. lalagyan natin ito ng link.. labet..

Custom Search