"The world will still keep on turning without me; what is going to happen will happen, and anyway it's no good to resist..."
.,sa pagkakataong ito muli akong susulat gamit ang wikang aking nakalakhan.... napakabigat ng aking damdamin.... natatakot akong baka hindi ko ito makayanang dalhin... hindi ko alam kung pang ilang araw na ito.... bumubugso.... bumabaon.... unti-unti, lumalamon...
dumating na ang bangkay ni kuya dong kahapon ng umaga... naroroon ako, ang aking ama at ang aking ina... nasaksihan ko kung gaano kahirap....kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay.... rumaragasa ang bugso ng damdamin.... lahat ay naluha... naiyak... humagulgol... napakasakit... nangilid ang aking mga luha... kinagat ko ang aking natutuyong mga labi (dahil sa lamig) upang pigilan ang aking mga mata na ituloy ang pag patak ng mumunting mga luha.... tumalikod ako sandali... patuloy sila sa pag iyak... ramdam ko ang kanilang pagdadalamhati... hindi ko alam kung anong nararamdaman ko... namamanhid ang aking katawan....
binuksan ang kabaong upang ilagay ang salamin sa ibabaw nito... lalong lumakas ang iyakan... hindi ko makayanan... lumabas akong pasumandali.... at sa mga ulap ibinaling ang aking atensyon... alas otso ng umaga... bago pa ang sikat ng araw... kakaunti ang ulap... malungkot...
puro kalungkutan... bangungot... gusto ko nang magising....
nasasaktan ako para sa kanila... kanina nagpunta sa bahay si ate gemma... alas otso y medya ng umaga... muli at muli kanyang sinambit sa akin, "alam mo michael masuwerte ka marami kang kapatid... ako, kaisa-isang kapatid ko na lang kinuha pa sa akin... (nakikita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nya...) pag tinititigan ko yung kapatid ko hindi ko mapigilang umiyak...(papatak na ang luha...) nasasaktan ako pag naiisip kong wala na sya... na wala na 'kong kapatid... kung wala lang akong asawa at mga anak siguro maiisip ko sumama na lang ako sa kanya... kasi malulungkot lang ako alam ko malungkot din sya dun mag isa lang din sya... (tumulo ang mga luha... nangingilid ang mga luha ko.... pinigil kong muli ang sarili ko sa ikalawang pagkakataon...) ramdam ko ang dinadala nyang pighati... ganoon siguro talaga kasakit... ngunit hindi ko mahinuha kung mas gaano pa kasakit para sa kanya...
bago siya umalis sinabi nya muli sa akin.... "kaya ikaw masuwerte ka.... hindi ka nag-iisa.... marami kang kapatid...." paulit-ulit... hindi lamang isa o dalawang beses... narinig kong muli mula sa kanyang mga labi... siguro nga sobrang sakit... ako?... hindi ko nararamdaman na tatlo pa ang kapatid ko... parang minsan isa lang... ewan ko... siguro may kulang... may puwang... may pagitan... alam ko may dahilan kung bakit paulit- ulit nyang binabanggit... kung bakit paulit-ulit ko iyong naririnig...
siguro para pahalagahan ko yung kung ano ang meron ako ngayon, kung ano yung mga bagay na minsan hindi ko nabibigyan ng pansin kahit nandyan na...para matutunan kong mahalin lahat ng "mahahalagang" tao sa buhay ko... bago pa mahuli ang lahat... oh matapos ng hindi ko inaasahan... sana nga.. sa mga susunod na panahon siguro dapat isulat ko naman kung sino ako... kung sino yung mga tao sa paligid ko... yung mga taong kailangan kong bigyan ng higit pang pansin at pagpapahalaga... para hindi lang umiikot sa mundo ko yung buhay ko... para makilala ko pa yung sarili ko...
"Alone i had to face the difficult task of changing myself, to stop the everlasting reproaches, which were so oppressive and which reduced me to such terrible despondency..."
2 comments:
Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong mahal na Kuya. Mahalaga talaga ang bawa't sandali na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sapagka't hindi tayo nakasisiguro kung mayroon pang susunod sa mga sandaling iyon.
Ingat ka palagi.
salamat panaderos...
Post a Comment